Gabay na Listahan mula sa EcoWaste Coalition
Decorate Green
Give Green
Party Green
Clean Green
Rejoice Green
I. DECORATING GREEN:
Maraming Pilipino ang sinasalubong ang Pasko nang may kasiyahan, makulay at ningnig. Ang bawat isa ay naglalagay ng mga palamuti sa kanilang mga tahahan, lugar paggawaan, paaralan at iba pa upang ipakita ang kanilang masayang pagsalubong ng Kapaskuhan. Paano natin maiiwasan ang paglikha ng basura habang ginagawang makulay ang ating mga tahanan?
1. Gawin ang belen o sabsaban na ang gamit ay mga recycled materials.
2. Gamitin muli ang mga palamuting ginamit noong nakaraang Pasko o gumawa ng bagong palamuti mula rito.
3. Gamitin muli ang lumang Christmas tree o gawing dekorasyon ay halamang nakalagay sa paso, tanim na puno, sanga o kaya ay walis.
4. Kung bibili ng mga palamuti, tiyakin na ang mga ito ay gawa sa Pilipinas, walang taglay na nakalalasong kemikal at hindi nangangailangan ng kuryente
5. Iwasan ang mga dekorasyon o produkto na lumilikha ng maraming basura o nagtataglay ng mapapanganib na kemikal tulad ng pinturang may lead. Para sa mga disenyo, gumamit ng mga water-based, non-toxic na pintura.
6. Bilang pamalit sa Christmas lights, gumawa ng dekorasyon na mula sa mga lumang cards, pambalot ng regalo, laso at iba pa. Nakaka-aliw din itong pagmasdan ngunit walang ikokonsumong kuryente.
7. Kung nais ay maliwanag, gumamit ng mga bumbilya na may mababang wattage o kaya ay energy efficient, o kaya naman ay ang mas matibay at matipid sa kuryente na light emitting diode (LED) bulbs.
8. Iwasan ang madalas na paggamit ng Christmas lights. Gamitin lamang kapag gabi at kung kinakailangan. Patayin kung kayo ay aalis ng bahay o bago matulog.
9. Iwasan ang napakaraming Christmas lights. Hindi maisasalarawan ng ningning ng Christmas lights ang tunay na diwa ng Pasko.
10. Huwag makipagpaligsahan sa kung sino ba ang may maningning, magarbo at maraming Christmas lights at dekorasyon sa inyong komunidad.
BANTAYAN: Ang ilang dekorasyon o laruan ay nagtataglay ng baterya at ito ay maaaring nagtataglay ng nakakalasong elelmento tulad ng cadmium, lead at mercury. Ang pagtatapon ng baterya sa mga basurahan at mga tambakan at ang pagsusunog nito ay lubhang mapanganib sa kalikasan at kalusugan. Bilang pamalit, gumamit ng mga rechargeable batteries.
II. GIVING GREEN:
Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan. Paano natin maiiwasang lumikha ng napakaraming basura a tiyaking ang ating ihahandog sa ating mga anak, inaanak o mahal sa buhay ay hindi makakapeligro sa kanilang kalusugan.
1. Kalapin at ipagkaloob sa kawanggawa ang mga di kailangang regalo, kasama yung mga damit, laruan at aklat na napagkalakihan na.
2. Lumikha ng sariling regalo para sa mga kapamilya at kaibigan: lutong bahay, halaman mula sa bakuran, scrapbook, CD music selection at iba pa.
3. Ilaan ang iyong libreng oras at galling sa mga proyekto sa inyong barangay. Alamin kung paano ka makatutulong sa iyong komunidad.
4. Gawing bago ang iyong mga lumang gamit sa pamamagitan ng iyong imahinasyon at talento. Ang mga lumang gamit ay maaring lagyan ng karagdagang palamuti na ikaw mismo ang nakaisip.
5. Kung bibili ng mga regalo, bumili ng mga produkto na hindi galling sa mga punong mula sa gubat, may taglay na GMO, walang taglay na nakalalasong kemikal, at iba pa.
6. Maghandog ng mga produkto na mula sa iyong tubong lalawigan tulad ng mga natatanging kakanin at katutubong inumin. Maaari ring ihandog ay prutas, gulay, halaman, minatamis at iba pa.
7. Maghandog ng mga makakalikasang regalo na gawa sa mga recycled na materyales o mga bagay na nagsusulong sa “sustainable living.”
8. Pumili ng mga regalo na di na kailangang ibalot pa. Halimbawa: pagbigay ng halaman sa paso, masahe ng mga masahistang bulag, gift cheque, concert ticket, raffle coupons at iba pa.
9. Huwag ng ibalot pa ang regalo. Kung nais ibalot, gamitin ang mga lumang magasin o dyaryo (comics section), papel na supot, pinaglumaang bandana o retaso. Imbes na plastic tape o ribbon, maaaring gumamit ng abaka o sinulid bilang panali.
10. Padalhan ng e-cards ang mga kapamilya at kaibigan na may access sa Internet. Kung magbibigay ng Christmas card, sikaping gumawa ng sariling card na mas personal ang dating at mensahe.
BANTAYAN: Siguraduhin na ang mga regalo lalo na ang mga laruan, school supplies at instructional materials para sa mga bata ay hindi nagtataglay ng mapapanganib na kemikal tulad ng bisphenol A, lead, mercury at iba pa. Ugaliing magbasa ng product label. Kung kulang ang impormasyon o hindi naiintindihan ung nakasulat, iwasan itong bilhin.
III. PARTY GREEN:
Hindi kumpleto ang Pasko kung hindi nagkakaroon ng Christmas party sa trabaho o kaya naman ay reunion ng pamilya. Ngunit bago tayo magsimulang gumastos ng malaki, mainam na planuhing mabuti ang salu-salo upang ito ay maging healthy, environment friendly at hindi maaksaya ang ating pagtitipon. Paano natin masisiguro na ang basurang maliliha ng ating pagtitipon ay maka-apekto pa sa ating komunidad o sa malalayong pamayanan kung saan itinatambak o sinusunog ang mga basura?
1. Maghanda ng payak na selebrasyon para sa mga kababayan o ka-barangay na hindi kayang makapaghanda ngayong Pasko. Maaari rin na ang matitipid mula sa isang magarabong handaan ay idonate sa kawanggawa.
2. Iwasan ang paggamit ng styrofor, plastik at mga disposable utensil na madalas ay itinatapon na lamang at sa tambakan ang bumabagsak. Piliin ang mga reusable upang magamit pang muli sa ibang okasyon
3. Ianunsyo sa pagsisimula ng salu-salo o party na huwag magiiwan ng tiring pagkain.
4. Tiyakin na may bukod na lalagyan para sa nabubulok at hindi nabubulok na mga panapon. Gawing compost ang mga nabubulok at ibalik sa lupa. Gamitin muli o ibalik sa pabrika ang mga di nabubulok.
5. Gumamit ng reusable cloth kaysa sa single use paper napkins.
6. Maghanda ng healthy o vegetarian dishes.
7. Iwasan ang mga pagkaing iniluto sa trans fat. Gumamit ng mga local cooking oil o coconut oil.
8. Iwasan ang softdrinks. Magtimpla ng mga juice na mula sa kalamansi, dalandan, kamias at iba pa. Gumamit ng brown sugar o muscovado.
9. Iwasan ang junk foods. Sa halip, maghanda ng mga vegetable strips, nilagang saging o kamote bilang appetizer.
10. Prutas ang ihanda sa dessert.
BANTAYAN: Ang kemikal na Bisphenol A (BPA), isang endocrine disruptor, ay maaaring tumagas sa pagkain lalo na kung ito ay mainit. Ang nasabing kemikal ay mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga sanggol at mga bata. Upang makaiwas, huwag mag-microwave ng mga pagkain na gamit ay plastics.
IV. CLEANING GREEN:
Inienganyo ng mga patalastas ang mga tao upang maipaniwala na mainam na panlinis ng bahay ang mga komersyal na easily-accessible cleaning products. Ang hindi natin alam, ang mga produktong ito ay nagtataglay ng mapapnganib na kemikal (na kadalasan ay mahirap basahin) at mapanganib sa ating kalusugan. Upang maiwasan, narito ang mga maaaring gawin:.
1. Gumamit ng mga natural at murang panlinis ng inyong tahanan. Ilan sa mga sumusunod ay maaaring nasa inyong mga tahanan:
Baking Soda
Lemon Juice
Mga plant/vegetable based soap. Iwasan ang mga sabong may matatapang na amoy at kemikal.
Sukang puti
Washing Soda
2. Maghanap ng mga environment-friendly, natural, organikong panlinis ng bahay.
3. Ugaliing magbasa ng product label. Alamin ang mga kemikal na maaaring taglay ng gagamiting produkto at tingan kung ano ang maaaring epekto nito sa katawan.
4. Ilagak ang mga panlinis at cleaning materials sa lugar na hindi maaaring maabot ng mga bata.
5. Huwag magtapon ng mga pinaglumaang gamit tulad ng lumang damit, gamit na libro at iba pa.
6. Huwag gumamit ng mga chemical insecticides. Maghanap ng mga environment friendly alternatives na pamatay peste.
7. Huwag susumugin ang iyong mga panapon.
8. Gumamit ng basing tela sa paglilinis. Ito ay upang hindi kumalat ang alikabok sa iyong tahanan habang iakw ay naglilinis. Iwasan dina ng apggamit ng paper towels sa paglilinis.
9. Panatilihing well ventilate ang iyong kuwarto.
10. Basahin at alamin ang mga alternatibo at maka-kalikasang panlinis ng inyong bahay at ibahagi ang iyong kaalaman sa iyong mga kaibigan.
V. REJOICE GREEN:
Ang pagpapaputok ay lubhang mapanganib sa kalusugan at kalikasan. Ito ay nagdudulot ng usok, alikabok at nagbubuga ng mapapanganib na kemikal na magpapalala sa kalidad ng hangin at maaaring mag-trigger ng mga sakit tulad ng hika, ubo at iba pang respiratory diseases. Ano ang mga alternative noisemakers na maaari nating magamit sa pagsalubonng ng Kapaskuhan at Bagong Taon?
1. Gumamit ng traditional horns or "torotot".
2. Maglagay ng mga bato, buto at pera sa loob ng mga latang lalagyan, bao o soap boxes upang maging improvised maracas o shakers.
3. Pagsamasamahin at italic ang mga pinitpit na tansan upang maging recycled tambourines
4. Mag-ingay gamit ang mga takip ng kaldero, kaserola, timba at iba pa.
5. Maghampas ng kawayan o kahoy sa pader.
6. Pag-untugin ang mga bao ng niyog.
7. Play your favorite musical instruments.
8. Gamitin ang busina ng iyong bisikleta, motor o kotse.
9. Tumalon at pumalakpak ng malakas.
10. Umawit, sumayaw at humiyaw ng malakas sa pagsalubong ng Bagong Taon.
BANTAYAN: Ang mga paputok ay nag-iiwan din ng maraming basura tulad ng paper scraps, cellophane and plastic wrappers. Ang mga boga o mga improvised na kanyon na gawa sa PVC pipes ay mapanganib din. Bilang pamalit sa mapanganib at napakamahal na paputok tulad ng "bawang," "sinturon ni hudas," "baby rocket," "trompillo," sparklers, "atomic big triangulo," "pla-pla," "lolo thunder," "super lolo" and "watusi", nanawagan ang EcoWaste Coalition sa publiko na umiwas sa paggamit ng paputok at salubungin ng ligtas at maka-kalikasan ang Bagong Taon.
EcoWaste Coalition
Unit 320, Eagle Court Condominium,
Matalino Street, Quezon City
(+63) 29290376
ecowastecoalition@yahoo.com
www.ecowastecoalition.org
No comments:
Post a Comment